PAG-BAN SA POGO APRUB SA KAMARA

INAPRUBAHAN  ng House Committee on Games and Amusement na pinamumunuan ng Chairman nito na si Cavite 6th District Repesentative Antonio Ferrer ang panukalang batas na House Bill (HB) 5082 at House Resolution (HR) 1197 na naglalayong i-ban sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at ideklara ang kanilang operasyon na illegal.

Ito ay matapos makapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng mga krimen na may kinalaman sa POGO operation na umabot sa 4,039 sa unang tatlong buwan pa lamang ng taong 2023,ayon kay Cagayan De Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez na author ng HR 1197.

Ipinaliwanag ni Rodriguez na ang kanyang panawagan na i -ban ang POGO ay base sa Article II ,Section 5 ng Constitution kung saan nakasaad dito na “the maintenance of peace and order, the protection of life, liberty and property, and the promotion of the general welfare are essential to the enjoyment by the people of the blessings of a democracy.”

“These particular cases include the following – human trafficking, forcible abduction, homicide, illegal detention, kidnapping for ransom, theft, robbery, extortion, serious physical injuries, swindling, grave coercion, investment scam, cryptocurrency scam, and love scam… the entire gamut of criminal law is already included here for the felonies under the Revised Penal Code (RPC),” binigyang diin ni Rodriguez.

Dumami rin ang prostitution sa bansa dahil sa POGO, ayon kay Rodriguez.” POGOs led to the rise in prostitution making the “Philippines the international sites of ladies from Vietnam, from Myanmar coming here, not only our ladies, but ladies from the other parts of the ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) are here,” sabi ni Rodriguez. Sinuportahan naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang.konklusyon ni Rodriguez at iginiit na dahil sa POGO hindi lamang prostitusyon ang idinulot nito kundi human trafficking .

Ipinaalala ni Brosas ang raid na isinagawa ng mga law enforcers sa isang tanggapan ng POGO sa Parañaque ng November 2023 kung saan natagpuan ng mga operatiba ang isang massage area at spa at ni -rescue and 16 na kababaihan.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Paranaque City 2nd District Representative Gus Tambunting sa Philippine Amusement and Games Corporation (PAGCOR) sa halaga ng posibleng mawala sa kikitain ng pamahalaan sa oras na maaprubahan na nang tuluyan ng Kongreso ang mga naturang legislative measures at mawala na ang POGO.

Ayon naman kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, ang pamahalaan ay kumita ng halos P5.2 billion mula sa POGO noong 2023. Tinatayang aabot sa 25,0OO na mga Pilipinong empleyado ng POGO ang maapektuhan, sa mahigit kumulang 625,000 square meters ng leased commercial office spaces hindi kasama ang leased residential houses at libo libong restaurants sa Metro Manila at key cities sa provinces ang maapektuhan kapag nawala ito.

Ayon kay Tengco, 5 hanggang 6 na porsiyento ng POGO revenues o kita ng ahensya ay galing sa mga lisensyadong casino.

We have to push hard on all the other revenue generating licensees that we have such as licensed casinos and online gaming,” sabi ni Tengco.Idinagdag pa niya na umaabot sa P6.5 billion hanggang P7 billion ang kinita sa licensees.

“PAGCOR is not given enough teeth to lead the regulation of POGOs in our country” sabi naman ni Agusan del Sur 2nd District Reprsentative Eddiebong Plaza.

Ayon kay Tengco,nagpatupad sila ng.ilang corrective measures sa PAGCOR upang masolusyunan ang mga suliraning naidulot ng mga POGO operation.Naging positibo umano ang mga naturang hakbang ayon kay Tengco at nasolusyunan ang mga naturang suliranin.

“The PNP will support my statement that such crimes have considerably gone down,” sabi ni Tengco.

Kinumpirma naman ni PNP Police Maj. Gen. Sidney Hernia, director ng PNP Anti-Cybercrime Group, ang pagresolba sa mga krimen na kinasangkutan ng mga POGO license owners na may kinalaman sa mga illegal activities.
MA.LUISA MACABUHAY-GARCIA