PAG-CANCEL SA GRAB MAY BAYAD NA

GRAB

INANUNSIYO ng Grab Philippines na maniningil na sila ng P50 para sa can- cellation fee at no show bilang multa sa ilalim ng bagong patakaran.

Ito ang pahayag ni Brian Cu, pangulo ng Grab base sa updated policy ng kanilang tanggapan na kabilang na nga rito ang pagpataw ng P50 na multa para sa kanselasyon at no show para maiwasan ang mga ‘di kaaya-ayang ugali ng i­lang pasahero.

Sa ilalim ng naturang penalty, ipapataw sa mga pasahero na magkakansela o mag-terminate ng kanilang sakay limang (5) minuto matapos makakuha ng driver at ipapataw din sa mga pasahero na hindi magpapakita sa naturang pick up points na mapagkakasunduan limang (5) minuto pagdating ng GrabCar booking at tatlong (3) minuto naman ang inilaan para sa GrabShare.

Nabatid na ang account ng sinumang pasahero ay pansamantalang sususpendihin ng 24  oras sakaling magkansela sila ng sakay ng dalawang beses sa bawat oras, tatlong beses sa isang araw o ‘di kaya limang beses sa isang linggo, ayon pa sa kompanya ng Grab.

Papatawan din ng parusa ang drivers na magkakansela ng bookings ng pasahero ng walang kaukulang dahilan o ‘yung mga namimili ng pasahero at destinasyon.

Idinagdag pa ng Grab na ang drivers ay posibleng ma-“locked out of the platform” kung patuloy nilang babalewalain o kakanselahin ang requests ng pasahero.

Samantala, agad namang makakukuha ang mga pasahero ng 30 rewards points sakaling ang mga driver ay magkansela ng sakay, habang ang “tipping feature” ay inilaan o pahihintulutang ibigay ng mga pasahero bilang reward sa drivers.

“Our intention in implementing this new policy is to create a better ride-hailing ecosystem, where both passengers and drivers practice the responsible use of the Grab platform,” pahayag ni Cu.

Ayon sa Grab na-inform na nila umano ang Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa bagong cancellation policy. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.