HINDI maituturing na paglabag sa ano mang batas sa eleksiyon kung mag-eendorso ang mga pari ng Simbahang Katoliko ng partikular na kandidato para sa May 9 national at local elections.
Tinukoy ni election lawyer Romulo Macalintal na ang dating probisyon ng Omnibus Election Code na nagbabawal sa mga pari na mag-endorso ng mga kandidato ay nabura na ng Republic Act 7890 na pinagtibay noong 1994.
“There is no election offense if a priest or bishop campaigns or endorses a candidate. So, the question is, can the church and clergy endorse during the election, the answer is a resounding Yes!” ayon kay Macalintal.
Hindi rin aniya maaaring maiugnay ang Constitutional provision hinggil sa paghihiwalay ng estado at simbahan dahil walang kinalaman dito ang kalayaan ng mga pari na may mapusuan at suportahang kandidato.
“This provision merely pertains to the prohibition for the government to extend public funds to any religious organizations or favor one religious group or recognize only one religious organization to the exclusion of others,” dagdag ni Makalintal.
Samantala, hinimok din ni Macalintal ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting na lawakan pa ang papel nito mula sa pagiging poll watcher kundi maging aktibo sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa mga kandidato lalo na ang kanilang track record at accomplishments. Jeff Gallos