BINANATAN ni outgoing LTFRB Board Member Aileen Lourdes Lizada si LTFRB Chairman Martin Delgra sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe.
Sa naturang pagdinig ay kinuwestiyon ni Poe ang LTFRB kung bakit pinayagan ng ahensiya na exempted ang 195 provincial buses na dumaan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ani Poe, unfair ito para sa ilang provincial buses na tumitigil sa PITX para kumuha ng pasahero pabalik ng Cavite at Batangas samantalang may ilang provincial buses naman ang pinayagan na dumaan ng Metro Manila.
Sa naturang pagdinig, sinabi ni Lizada na hindi nito nilagdaan ang Memorandum Circular number 022 na nagbibigay ng extension sa ilang provincial buses na maaring hindi na dumaan sa PITX .
Ayon kay Lizada, base sa iprinisinta nitong power point presentation, ang dissenting opinion nito sa naturang MC 22 sa 3rd at fourth paragraph ay binago umano ni Delgra.
Sa naturang pagdinig itinanggi ni Delgra ang akusasyon ni Lizada.
Ani Delgra, walang katotohanan na dinoktor nito ang MC 022 tulad ng paratang ni Lizada.
Dahil dito, tinanong ni Poe si Delgra kung paano ipinatutupad ng maayos ang point to point terminal tulad ng PITX kung may exempted o pinapayagan na mga provincial bus na dumaan sa Metro Manila.
Anang senadora, tiyak na aalma ang ilang provincial buses at gagayahin ang mga pinayagan ng LTFRB na magiging dahilan upang maging palpak ang operasyon ng PITX na ginastusan ng milyon-milyong pi-song halaga ng gobyerno. VICKY CERVALES
Comments are closed.