LIFE is a choice, Suki.
Kaya… dapat ay walang tambay sa kalye.
Maliban lang kung sadyang ginusto ng isang tambay na maging tambay sa mga lugar na kanilang tinatambayan.
Sa gilid ng kalsada.
Sa mga sulok-sulok ng lansangan.
Kasi nga, life is a choice.
Derpor, hindi niya kailangang magpakuya-kuyakoy kung gustuhin lang niyang siya’y maging kapaki-pakinabang.
Sa kanyang sarili.
Sa kanyang komunidad.
At sa bayan.
Para sa akin, Suki, ay isang klarong pahiwatig ng katamaran ang pagsasayang ng oras nang walang tumpak na dahilan.
Mali ba ang paniniwala ko, ha?
oOo
Pabor sa lahi ni Juan ang utos ni Boss Digong na “walisin” sa gilid ng kalye ang mga tambay.
Lalo na sa magulang ng mga pasaway na anak.
Ako man, Suki, ay natutuwang makita na walang nag-iinuman dabarkads sa tabi ng kalye.
At walang pakalat-kalat na “kaluluwa” sa lansangan nang walang sapat na kadahilanan.
Sa katunayan ay may batas ang republika, Suki, tungkol sa bagansiya.
Pero halos dedma lang naman ang ating awtoridad sa pagpapatupad nito.
Hindi kasi madaling gawin ng kapulisan na hatakin araw-araw sa presinto ang libong mga pasaway sa lansangan.
Pero ngayon nga ay sumigla ang kampanya laban sa mga tambay sa lansangan.
Lalo na ‘yong mga naglalasingan na walang patumangga sa kanilang videoke.
Susmaryosep, Suki, pa-morningan pa!
Kalungkot lang, Suki, na sinasadyang maliin ng mga tontong kritiko ni Boss Digong ang pagbasa sa utos na “walisin” ang mga tambay sa kalye.
Lalo na ‘yong mga nagsasabing nasa puso nila ang pagprotekta sa mga karapatang pantao.
Ang mga huwad na grupong adbokasiya.
Na ang naririnig lang ay ang pagngangawa ng pamilya ng mga “tulak” at adik-adik.
Pero dedma lang sa panaghoy ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen na udyok ng droga.
Kung buhay ang lolo ko, Suki, ay ganito ang maririnig niyo: Mga tonto!
Ano raw, Suki, pahiwatig ng martial law.
Ha-ha-ha!
Comments are closed.