SA layuning mapadali at mapabilis ang loan applications, pinalakas ng Pag-IBIG Fund ang online service portal nito upang tumanggap ng aplikasyon para sa cash loan program nito.
Ayon sa top officials ng ahensiya, ilang pagpapahusay ang isinagawa sa Virtual Pag-IBIG sa panahon ng quarantine period sa first half ng taon upang makapag-apply ang mga miyembro para sa Multi-Purpose Loan (MPL) o Calamity Loan, online.
“We heed the call of President Duterte to implement online systems to provide faster service to the public. The Virtual Pag-IBIG is one of the biggest projects undertaken by the Pag-IBIG Fund under his administration as we move as one towards the widespread use of e-governance to better serve the public, especially during extraordinary times such as these,” pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Inilunsad noong December 2019, ang Virtual Pag-IBIG ay nagbigay-daan para makapag-transact ang mga miyembro sa ahensiya online, na may live chat function na available 24/7.
Magmula nang ilunsad ito, ang Virtual Pag-IBIG ay binisita ng may 2.43 milyong miyembro, na kinabibilangan ng overseas Filipinos mula sa mahigit 222 bansa, na nakakuha ng Pag-IBIG Fund Membership ID (MID) number, nakapag-enroll para sa MP2 Savings account, o na-access ang kanilang savings at loan records online, na hindi na kailangang pumunta sa Pag-IBIG Fund branch.
Ang Virtual Pag-IBIG ay tinatampukan din ng online payment facility na nagpapahintulot sa mga miyembro na bayaran ang kanilang loans at i-remit ang kanilang monthly savings gamit ang kanilang PayMaya wallet o credit cards.
Noong Hunyo 1, ang Virtual Pag-IBIG ay pinalakas upang tumanggap ng online applications para sa MPL at Calamity Loan ng ahensiya. Magmula noon, ang ahensiya ay nakapag-apruba na ng mahigit sa P188.6 million mula sa loan applications na tinanggap online.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti, ang cash loan applications ay pinoproseso sa average na wala pang dalawang araw kung isinumite ito sa pamamagitan ng kanilang online service platform.
“The Virtual Pag-IBIG is game-changer for us. While nobody was ready for this pandemic, the launch of the Virtual Pag-IBIG late last year was timely because it allowed us to continue serving our members even during the imposition of community quarantines. And, as we adapt to the new normal, we hope that our move to make cash loan applications available via the Virtual Pag-IBIG would allow our members to experience faster transactions without leaving the safety of their own homes,” sabi ni Moti.
Comments are closed.