UMABOT sa mahigit P11.15 billion ang savings ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa unang tatlong buwan ng 2019, mas mataas ng 16 percent year-on-year at nagtala ng bagong record para sa pinakamalaking halaga na na-save ng mga miyembro sa anumang quarter.
“Last year, we encouraged Pag-IBIG Fund members to save more and we are happy to note that many saw the merit of this campaign. Our members’ savings collections from January to March 2019 reached a record-high, increasing by P1.50 billion com-pared to the P9.65 billion we collected during the same quarter last year and is higher than any quarter in the previous years. This is good news because the amount of member’s savings collected finances the programs we provide to our members. More collections mean more funds that we can utilize for our short-term loans and home financing programs, in line with the directive of President Rodrigo Roa Duterte to provide social benefits to more Filipinos,” wika ni Secretary Eduardo D. del Rosario, chairperson ng Hous-ing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Sinabi rin ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang pagtaas sa savings ay hindi lamang limit-ado sa Regular Savings program nito dahil ang halaga na na-save sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings Program nito ay patuloy ring sumirit sa unang tatlong buwan ng taon. Ang koleksiyon mula sa MP2 sa first quarter ng 2019 ay umabot sa P1.93 billion, mas mataas ng 150 percent mula sa P771.7 million na nakolekta sa kahalintulad na panahon noong 2018. Ito ang pinaka-malaking halaga na na-save ng mga miyembro sa ilalim ng MP2 program.
Ang MP2 ay isang voluntary savings program na nagkakaloob sa mga active member at retiree na dating mga miyembro ng Pag-IBIG ng isa pang savings option na may term na limang taon lamang. Sa minimum savings amount na P500, ang MP2 ay nag-bibigay ng mas mataas na dividend earnings kumpara sa ibang inaalok sa merkado.
“For 2018, we declared an MP2 dividend rate of 7.41 percent, which is higher compared to other offerings in the market. We al-so enhanced the program by giving MP2 savers the option to receive dividends on an annual basis or compounded dividends at the end of the 5-year maturity period,” ani CEO Moti.
“More and more members are seeing the value of saving in Pag-IBIG Fund. Many are saving more than P100 a month under our Regular Savings program while others are opting to save even more under the MP2 because of its higher returns. We thank our members for trusting us to grow their hard-earned money and for recognizing that Pag-IBIG Fund is more than just about home loans. You can count on us, your Lingkod Pag-IBIG, to grow your savings too,” dagdag pa niya.
Comments are closed.