Pag-IBIG home loans umabot sa P88.3B sa Q3 habang ang demand ay patuloy sa pagtaas

NAKAPAGTALA ang Pag-IBIG Fund ng home loan na P88.30 bilyon sa huling tatlong quarter dahil sa patuloy na paglakas ng demand, ayon sa pahayag ng mga opisyal nito.

Ang naturang halaga ng home loan na nailabas ay halos P5 bilyon o anim na porsyento kumpara sa P83.31 bilyon na na-i-release sa kaparehong period noong nakaraang taon. Nabayaran ng naturang halaga ang 68,211 na housing units at ito ngayon umano ang nakapagtala ng pinakamataas na nailabas ng ahensya sa kahit na anong January to September na period.

“Pag-IBIG Fund remains at the forefront in home financing as it accounts for nearly 40% of the total home mortgages in the country. This shows that it continues to fulfill its mandate, not only by providing affordable home financing to Filipino workers, but also by effectively stimulating the housing industry. These are all in line with the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to provide our fellow Filipinos with better and dignified lives,” ayon kay Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Labas pa sa total amount, dagdag pa kay Acuzar ay nakapaglabas din sila ng P3.49 bilyon sa socialized home loans na napakinabangan ng 8,216 Pag-IBIG Fund members na kabilang sa sektor minimum-wage at low-income earners.

Samantala, inaasahan ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na mananatiling mataas ang demand para sa home loans ng ahensya lalo na umano sa huling quarter ng taon kung saan ito ang panahon na may pinakamataas na bilang ng home financing.

“Our home loan releases amounting to P88.30 billion in the last nine months alone have already surpassed the annual releases since Pag-IBIG Fund’s inception up to 2019. And, by the end of the year, we are optimistic that our home loan releases may even reach P130 billion,” saad niya.

“We thank our members for choosing the Pag-IBIG Housing Loan to achieve their dream of owning a home. That is why we shall do all that we can to maintain our low interest rates so that we can enable more Filipino workers become homeowners under the most affordable terms,” dagdag pa ni Acosta

Sa kabuuan, nasa P111.35 bilyon ang naaprubahang home loans ng Pag-IBIG mula January to September para bayaran ang mga nakuhang 83,063 na housing units. Kabilang din umano rito ang P23.05 bilyon na aprubadong loans para sa 14,852 borrowers na handa nang i-release kapag nakapagbigay na sila ng mga kaukulang post-approval requirements.