DISMAYADO ang kampo ng complainant sa resulta ng impeachment ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen matapos desisyunan na ibasura ‘unanimously’ ng House Committee on Justice ang reklamo sa mahistrado.
Sinabi ng complainant na si Edwin Cordevilla, Secretary General ng Filipino League of Advocates of Good Governance – MAHARLIKA (FLAGG – MAHARLIKA), na isang “sorry episode” sa kasaysayan ng bansa ang naging pasya ng komite.
Aniya pa, ang soberanya na namamayani sa mamamayan ay pawang ‘verbal display’ lamang at isang malaking ilusyon na mapanagot ang mga matataas na opisyal sa bansa.
Kahit umano ang Kongreso ay sablay dahil unang pagdinig pa lamang ng Justice Committee ay ibinasura na ang akusasyon dahil sa kawalan ng “form.”
Tahasan namang sinabi ni Atty. Matias “Mat” Defensor Jr., dating kongresista at tumayong lead counsel ni Cordevilla, na mali ang desisyon ng komite dahil lamang ang mga dokumentong naiprisinta sa Justice panel ay hindi “certified thru copy” ng Korte Suprema.
Paliwanag ni Defensor, hindi naman kailangan ang “certified thru copies” ng mga dokumento para lamang mapatunayan na totoo at tama ang inihaing reklamo ni Cordevilla laban kay Leonen.
Hindi aniya mag-iisyu ng dokumento ang Kataas-taasang Hukuman at tatatakan itong “certified thru copy” para lamang sa layunin na gamitin ito na ebidensya laban sa sarili nilang mahistrado.
Tinukoy pa ni Defensor na dapat ay binigyan man lamang ng pakakataon na magsalita si Cordevilla para sana naipaliwanag nito sa panel ang mga akusasyon.
Iginiit pa ni Defensor na kung talagang gusto ng Committee on Justice ng mga authenticated na records para patotohanang sapat ang porma at substance sa reklamo laban kay Leonen ay dapat na nag-isyu ito ng subpoena sa Supreme Court at sa UP- College of Law.
Paliwanag naman ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon, may kopya ang Korte Suprema ng anumang record na may kinalaman sa impeachment.
Si Leyte Representative Vicente Veloso Jr. ang chairman ng Justice committee, na dating mahistrado ng Court of Appeals (CA).
Base sa House Rules of Impeachment, trabaho ng Justice Committee na hanapin muna ang form sa impeachment complaint, na isusumite naman sa House secretary-general na magsusumite naman ng opisyal at pormal na report.
Hahanapin ng Justice Committee ang “substance” nito batay sa Impeachment Rules at muling ibabalik sa House secretary-general upang gawan uli ng official and formal report.
Binigyang diin ni Defensor na dapat ay pinayagan si Cordevilla na ipaliwanag ang kanyang akusasyon kay Leonen.
Kung kailangan ng mga mambabatas ang totoong dokumento, dapat ay nag-isyu sila ng subpoena sa Supreme Court o sa College of Law ng University of the Philippines (U.P.), upang malaman kung totoong may nagawang krimen si Leonen o imbento lamang ito ni Cordevilla.
Paliwanag ni Defensor, kinokonsiderang higante sa legal profession, hindi kailangang maging sobrang mahigpit sa character of the documents ang mga mambabatas dahil naisapubliko at nailabas na sa media ang mga krimeng ibinabato kay Leonen bago pa ito idinulog sa Kamara.
Dagdag pa ni Defensor, kahit sa libel case ay hindi na humihingi ang mga court judges ng certified thru copy documents upang ipagpatuloy ang kaso laban sa mga journalist.
Kumbinsido rin si Defensor na “sufficient” in “form” and “substance” ang impeachment complaint laban kay Leonen.
Ani Defensor, sa Statement of Assets and Liabilities Networth (SALN) pa lamang ay may sapat nang dahilan upang madiin si Leonen.
191194 132044Good day. Quite cool weblog!! Man .. Exceptional .. Remarkable .. Ill bookmark your site and take the feeds additionallyI am glad to locate numerous helpful info appropriate here within the post. Thank you for sharing.. 839247
557683 778175Keep up the wonderful piece of function, I read couple of weblog posts on this web site and I believe that your web site is real fascinating and has lots of excellent details. 667818
290901 545570Wonderful! This weblog looks just like my old 1! Its on a entirely different topic but it has pretty significantly the same layout and design. Great choice of colors! 64973