SINADYA umano ng Department of Education (DepEd) na iimbak ang mga libro para gamiting reserba sa panahon ng kalamidad.
Ito ang naging paliwanag ni Education Secretary Leonor Briones sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Senador Win Gatchalian.
Ayon pa sa kalihim, ang nasabing mga libro ay pamalit din sakaling may masira o mawalang libro at pandagdag kapag tumaas ang bilang ng enrollees.
Kinuwestiyon ang DepEd kaugnay sa 2018 report ng Commission on Audit (COA) na nakita sa maruming bodega ang 3.5 milyong textbooks at instructional materials na binili umano sa halagang P113 million mula 2014 hanggang 2017.
Giit ni Briones, ito ay alinsunod sa kanilang patakaran na mag-imbak ng 10 porsiyento ng kanilang mga libro.
Comments are closed.