BILANG tugon sa nakaaalarmang mga ulat tungkol sa mga kriminal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga illegitimate Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), iniutos Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang masusing imbestigasyon ng Kongreso.
Sa hakbang na ito ay binigyang-diin ni Romualdez ang komitment ng pamahalaan na matigil ang mga ilegal na aktibidad at matiyak na ang umiiral na mga regulasyon ay epektibong mapatupad.
Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang pinuno ng Kamara sa pagpapatuloy ng mga operator na lumalabag sa batas sa kanila ng mahigpit na mga regulasyon.
“We cannot allow these rogue POGO operators to persist in their illicit actions,” pahayag ni Romualdez.
“It is imperative that we identify and unmask the masterminds and protectors behind these operations so they can be prosecuted to the fullest extent of the law,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Romualdez na ang congressional investigation ay naglalayon na masusing maeksamin ang iba’t ibang kriminal na aktubidad, kabilang na ang money laundering, human trafficking, at kaugnay na mga paglabag sa batas na diumano ay kagagawan nitong mga illegitimate POGOs.
Aniya, iaanalisa ang pagka-epektibo ng kasalukuyang mga regulasyon at tukuyin ang mga butas na nagbigay-daan sa mga naturang operators na makalusot sa batas.
“Establishing the identities of those responsible for protecting and facilitating these illegal operations and ensuring they are held accountable is a priority,” wika ni Romualdez.
“Ensuring the protection of local communities and individuals affected by the illegal activities of rogue POGO operators is crucial,” diin pa ng Speaker.
Kanyang tiniyak sa publiko na ang malalaman sa gagawing imbestigasyon ay magbubunga ng mahigpit na mga hakbang at mga reporma na magwawakas sa illegitimate POGO operations sa Pilipinas.
“We owe it to our citizens to ensure that the rule of law prevails and that criminal elements exploiting our system are brought to justice,” ani Romualdez.
JUNEX DORONIO