NILINAW ng isang mambabatas na mas importanteng mapatalsik sa posisyon si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen kaysa sa protesta ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo.
Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, hindi malulutas ang anumang isyu sa pagbasura ng Korte Suprema sa kaso ni Marcos laban kay Robredo dahil wala itong kinalaman sa impeachment charge na ipinataw laban kay Leonen.
Si Leonen ay ang ponente ng desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa electoral protest na inihain ni Marcos sa Korte Suprema laban kay Robredo.
Inihain ni Marcos ang protesta noong Hunyo, 2016 ngunit ibinimbin lamang ng PET electoral protest.
Paliwanag ni Rodriguez, malinaw na ininsulto ni Christian Esguerra ang impeachment na ibinato kay Leonen.
May form at content umano ang impeachment kaya pag-aaralan ito ng Kamara.
Matatandaang nakumbinsi ni Leonen ang karamihan ng mga mahistrado na ibasura ang kaso ni Marcos.
Sinabi ni Rodriguez na mas luminaw sa kanila ang form and content ng impeachment complaint laban kay Leonen matapos sabihin ni good governance advocate Edwin Cordevilla na hayagang paglabag sa Konstitusyon ang hindi pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng labinlimang ulit.
Binanggit ni Cordevilla ang pagtuturo ni Leonen sa College of Law ng University of the Philippines, at ang umano’y malabnaw na pagtupad niya sa kanyang tungkulin bilang mahistrado.
Binanggit din ni Cordevilla na sablay rin ang performance ni Leonen bilang pinuno ng House of Representatives electoral Tribunal (HRET).
Tinanggap ni Ilocos Norte Representative Angelo Barba noong Disyembre, 2020 ang kasong isinampa ni Cordevilla.
Noong Abril, pumayag si Speaker Lord Allan Jay Velasco na busisiin sa Kamara ang impeachment charge laban kay Leonen sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso noong Mayo 17.
Ayon kay Rodriguez, handa ang House Justice Committee na talakayin ang mga impeachment charges kay Leonen upang maipadala ito sa Senado.
Unang sinabi ni Cordevilla sa media na malakas ang kanyang kaso laban kay Leonen, ngunit nagbabala ang ilan na baka gamitin ito ng mga political operators sa pangangampanya.
966325 801906Hello there, just became alert to your weblog by means of Google, and discovered that its actually informative. Im going to watch out for brussels. I will appreciate if you continue this in future. A lot of folks will likely be benefited from your writing. Cheers! 373816