PAG-IMPORT NG GALUNGGONG INIREKOMENDA NG BFAR

Galunggong-11

INIREKOMENDA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pag-aangkat ng 45,000 metric tons ng galunggong para punan ang kakulangan sa produksiyon.

Ayon kay BFAR National Director Eduar­do Gongona, lean season ngayon ng galunggong mula Oktubre hanggang Pebrero bukod sa apektado pa ng amihan ang suplay ng galunggong.

Ani Gongona, bagama’t peak season ng galunggong ang buwan ng Marso hanggang Setyembre, humina ang produksiyon dahil sa sunod-sunod na pagtama ng bagyo sa bansa.

May pangangailangan na makapagparami ng maliliit na isda sa ilang lugar para mapanatili ito.

Comments are closed.