PAG-IMPORT NG ‘GG’ GAGAWIN KADA TAON

galunggong

PINAPLANO ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng galunggong kada taon.

Ito ay sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo sa hakbang ng gobyerno na magpasok ng 17,000 metric tons ng isda para mapigil ang tumataas na presyo at matiyak ang seguridad sa pagkain.

Binigyang diin ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, kailangang mag-import ang Filipinas ng isda sa panahon ng ‘closed fishing season’ na kadalasang nagsisimula sa buwan ng Nobyembre at magtatagal hanggang Marso.

Ani Piñol, wala siyang nakikitang mali sa pag-aangkat.

Magsisimula ng dumating sa Set­yembre 1 ang imported na galunggong at  ibebenta ito sa ₱75 hanggang ₱80 kada kilo.

Gayundin, direkta itong ibebenta sa mga local wet market para mapatatag ang presyo ng isda.

Comments are closed.