PAG-IMPORT NG NATURAL GAS IGINIIT

Senator Win Gatchalian

INAMIN ni Senador Win Gatchalian na kinakailangan nang mag-import ng bansa ng natural gas bago makaranas ng matinding krisis sa enerhiya.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang pagdinig sa Senado ukol sa napipintong energy crisis sa mga darating na taon kung hindi ito paghahandaan ng gobyerno.

Ayon kay Gatchalian, sa taong 2024 ay mawawala na ang supply ng natural gas sa Malampaya kung kaya sa 2021 pa lamang ay dapat na aniyang umangkat ang bansa lalo’t wala pang nadidiskubreng panibagong mapagkukunan nito.

Aniya,  lumalabas na mas mura ang natural gas kompara sa coal at 80 percent na mas malinis.

Kaya iginiit ni Gatchalian na mas makabubuti  na i-develop ang natural gas sa bansa dahil sa papaubos na supply ng Malampaya.

Naniniwala ang senador na maraming natural gas sa West Philippine Sea subalit malabo itong ma-explore ng bansa dahil sa pananatili ng China sa lugar.     VICKY CERVALES

Comments are closed.