SINIMULAN na ng Commission on Elections ang pag-iimprenta ng balota ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para gamitin sa halalan sa darating na Mayo.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mahigit 2,588,193 ang kabuuang bilang ng BARMM ballots na kanilang iimprenta sa National Printing Office kung saan sisimulan nila ito sa mga balota ng Lanao del Sur na may bilang na mahigit 685,643.
Una nang sinabi ng Comelec na mahigit 6.7 milyon ang opisyal na balota para sa eleksiyon. DWIZ882