PAG-IMPRENTA NG VOTER’S ID ITULOY PAGKATAPOS NG ELEKSIYON

DAPAT ituloy ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng voter’s ID kapag natapos na ang eleksiyon sa Mayo.

Kasunod ito ng pagkabahala ng Comelec hinggil sa mga sumakabilang-buhay nang indibidwal na nasa voters list pa rin.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, dagdag identification ito para sa mga Pilipino lalo na ‘yung mga botante.

Batay sa ulat, maraming pangalan ng indibidwal na namatay sa COVID-19 ang hindi pa natatanggal sa listahan.

Sa ngayon, magkakaroon na ng delisting ang Comelec upang tanggalin ito sa tulong na rin ng records na ipinasa ng Local Civil Registrar. DWIZ882