PAG-INVEST PARA SA HEALTH SECTOR IGINIIT

Bong Go

IGINIIT ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go ang kahalagahan ng pag-i-invest ng bansa para sa health sector sa gitna ng  nararanasang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go na dapat matugunan sa 2021 budget ang mga nadiskubreng perennial gap sa health sector sa pagharap ng bansa sa pandemya.

Ayon kay Go, gaya ng mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, kailangan ng reset, rebound at recover sa mga idinulot ng krisis.

Binigyang diin pa nito, kailangang ikonsidera ang mga natutunang aral na bigay ng  COVID-19 pandemic kaya kailangang maging proactive  at ma-review ang mga polisiya at araling muli ang mga prayoridad  sa “new normal”.

Dagdag ni Go, maliban sa  pagtugon at pagbangon mula sa pandemya, kailangang ikonsidera rin sa budget proposal para sa 2021 ang  pagiging mas handa at responsive sa iba pang health crisis na posibleng maranasan sa mga susunod na panahon.

Ilan lamang sa mga tiniyak ni Go na ipaglalaban niya ay ang  sustainable implementation  ng Universal Health Care Law na magbibigay  sa lahat ng pantay na access  sa quality at affordable  healthcare good at serbisyo. VICKY CERVALES

Comments are closed.