PAG-IWAS SA AKSIDENTE KAPAG NAGMAMANEHO

patnubay ng driver

GOOD DAY MGA KAPASADA!

Nang isang umaga na dumalaw ako sa aking mga kaibigang sastre sa Lopez, Sucat, Parañaque City ay nakatawag sa aking pansin ang instructor ng isang driving shool sa naturang lugar.

Ayon kina Jojo Ayag at Jack Tailor, mga kaibigan kong sastre, tuwing umaga, bago lumarga ang mga student driver ay sumasailalim muna ang mga ito sa 30 minutong lecture.

Nagkataong ang paksa na kanilang tinatalakay ay may kinalaman sa “Defensive Driving” na himig musika na sa inyong pandinig sa paulit-ulit kong ipinararating sa inyong kaalaman na sa kabila nito ay paulit-ulit din namang nilalabag.

Napuna ko na very attentive ang student drivers sa ibinibigay na lecture ng kanilang ins­tructor na may paksang:

  1. Maiiwasan ang ak­si­dente kung nagmamaneho sa pamamagitan ng pagiging alerto.
  2. Kung igagalang at susundin ang takdang speed limit (tulin ng pagpapatakbo) gaya ng nakasaad sa signages na nakapaskil sa mga lansangan.

Bilang karagdagang payo at turo ng instructor na “mababawasan ang inyong panganib sa pagmamaneho kung isa­sadiwa ang buod at turo ng defen-sive driving sa tuwing kayo ay hahawak ng manibela”.

Binigyang diin ng instructor bago sila lumarga na – kayong mga baguhang driver, huwag ninyong kalilimutan at isasadiwa sa tuwi-tuwina na tiyakin ninyo sa sarili na ang pagmamaneho ay hindi lamang natututunan sa driving schools.

Gawin ninyong habit na magkaroon ng sapat na pagsasanay…practice, practice at practice pa more to make your driving skill perfect.” At pagkawika noon ng instructor ay lumarga na sila para tingnan kung ‘yung kanyang tinuran sa mga student driver ay masusunod sa aktuwal na driving practice sa magulong lansangan ng Sucat road, Parañaque City.

DRIVING TIPS SA MGA BAGUHANG DRIVER

DRIVING-2Sa patuloy na pagsisikap ng Patnubay ng Drayber para sa kaligtasan ng ating mga drayber na malimit magkaroon ng traffic accident na iwasan ang pagmamaneho kung sila ay emotionally upset.

Kailangang mayroon kayong sapat na oras ng tulog at pahinga bago sumabak sa mahabang paggulong sa lansangan para kumita ng sapat na makatu-tugon sa panga­ngailangang panghapag-kainan ng mag-anak.

Panatilihin at sundin ang mga itinakdang tulin sa lansangan upang maiwasan ang anumang disgrasya. Ugaliing sundin ang traffic rules ang regula-tions.

Ang katagang “I don’t know” is not an excuse. Laging tatandaan na at least nine (9) out of 20 accidents ay likha ng human error. At maiiwasan natin ito mga kapasada kung taimtim sa ating damdamin na igagalang ang traffic rules at handa tayong ituwid ang mga pagkakamali sa pagmamaneho na likha ng ibang draybers.

KAILAN MASUSUSPINDE O REVOCATION NG DRIVER’S LICENSE

Kailan po ba maaa­ring suspindihin o ma-revoke ang lisensiya ng driver? Ito ang katanu­ngan ni Krieg Fulgencio Villanueva ng BF Homes, Para-ñaque City.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang anumang lisensiya sa pagmamaneho ay maaa­ring suspindihin o irebok (revoke) kung ang may hawak nito ay:

  1. Hindi karapat-dapat magmaneho ng sasakyan
  2. Pagmamaneho ng sasakyan ng gumawa o nasangkot sa paggawa ng krimen
  3. Napatunayang gumawa ng aksiyon na mapanganib sa publiko
  4. Napatunayang gumawa ng pagsisinu­ngaling sa pag-aaplay ng lisensiya at
  5. Kung ang pagsuspinde o pag-revoke ay ipi­nag-uutos ng hukuman.

Ang driver ay dapat nakahandang ipakita ang lisensiya kung hanapin ng mga traffic enforcer. Ang Temporary Operator’s Permit (TOP) ang siyang kapalit ng nakumpiskang lisensiya. Maaaring gamitin ito ng drayber pansamantala sa loob ng 72 oras mula sa pagkakum­piska ng lisensiya.

Sana natugunan ng pitak na ito ang inyong katanungan, Mr. Krieg Fulgencio Villanueva.  As always, PATNUBAY NG DRAYBER.

LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

(photos mula sa mocoshow.com, blog.drivedifferent.com, autodeal.com.ph)

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.