PAG-IWAS SA DIALYSIS

doc ed bien

KIDNEY  transplant at hindi dialysis ang lunas sa mga pasyenteng may malalang sakit sa bato o chronic renal failure (CRF), ayon sa isang nephrologist.
Ang pagsasailalim sa mga pasyente sa dialysis ay pansamantala lamang na lunas at ginagawa ito bilang isang paraan ng paglilinis at pagpapalit ng dugo sa isang pasyenteng tuluyan nang nasira ang bato gamit ang isang makina.
Pero santisima-santo, hindi naman po ganoon kadali ang maghanap ng kidney donor, pati na rin ang halos milyon na gagastusin dito!
Parami nang parami ang dumadalaw sa ating klinika na may dala-dalang tambak na blood chemistry re-sults. Either dati silang may high blood pressure or high blood sugar na napabayaan o hindi talaga pinansin. Minsang magpa-complete laboratory test sila ay nagulat na lang sa hindi kapani-paniwalang resulta. Para makasigurado ay lumipat sila ng doktor o laboratoryo at iisa ang hatol. “Mataas na ho ang BUN at Creatinine ninyo. Kailangan na ho ang magpa-dialysis kayo.” Dito parang guguho na ang kanil-ang mundo.

BAKIT BATO ANG TAWAG DITO?

KIDNEYHindi ko rin ho alam. Siguro kinapos ng bokabularyo ang ating mga ninuno. Malambot naman ito kung hahawakan. Pero para saan nga ba ang kidneys natin?
Matatagpuan ang mga ito malapit sa gitna ng ating likod. Sinasala ng kidneys ang dugo sa pamamagitan ng pagtatabi ng mga sustansiya na kailangan ng katawan at inaalis naman ang hindi kailangan at labis na likido.
Nakatutulong din ito sa pagkontrol ng blood pressure at paggawa ng red blood cells. Sa bawat 30 minuto ay sinasala ng kidneys ang lahat ng dugo sa ating katawan. Ang toxins ay ginagawang ihi at dinadala sa pantog sa pamamagitan ng maliliit na tubo or ureter. Maraming bagay ang maaaring makasira sa kidneys, subalit ang pinakamadalas na dahilan ay ang kakulangan sa daloy ng dugo. Dito na tataas ang Creatinine.

ANO ANG CREATININE?

CREATININEAng creatinine ay isang kemikal na produkto ng basura ng ‘creatine’, isang amino acid na ginawa ng atay. Creatinine ang resulta ng normal na metabolismo ng kalamnan. Kung tataas ang lebel nito sa ating sirkulasyon, ay magsisilbi itong toxin. Ang normal na blood levels ay nag-iiba ayon sa sukat ng katawan at kalamnan.
Ang normal para sa mga lalaki ay sa pagitan ng 0.6 to 1.2 mg/dl (new tests) o 53 to 106 mmol/L (old tests). Sa babae naman ay 0.5 to 1.1 mg/dl (new tests) o 44 to 97 mmol/L (old tests).
May mga taong umaabot sa halos 500 to 1,000 mmol/L ang kanilang creatinine at dito ihahatol ang dial-ysis. Ang dialysis machine ang magsisilbing temporary filter ng pasyenteng nasira na ng tuluyan ang sariling kidneys.

NATURAL NA PAMPABABA NG CREATININE

A. Dietary Tips
1. Replace your regular tea, coffee or sodas with herbal tea.
2. Avoid eating high protein foods like meats and dairy products.
3. Avoid supplements with extra creatine.
4. Avoid high arginine food like seafood, chocolate, gelatin, beer, soybeans, peanuts, pumpkin seeds, sesame seeds and other nuts.
5. Reduce minerals like sodium, potassium and phosphorus in your diet.
6. Include more carrots, cucumbers, garlic and onion
7. Choose foods rich in Omega-3 fatty acids like salmon and tuna.
8. Eat more fiber rich vegetables.
B. Lifestyle Tips
1. Cut back on vigorous exercise. Walking 30 mins. 3x a day is best
2. Avoid too much exposure to the sun to prevent further dehydration.
3. Limit water or all other fluid intake to max of 1.5 liters a day only.
4. Certain medications like ACE inhibitors, aspirin and ibuprofen may increase creatinine.
C. Home Remedy Tips
1. Chamomile Tea – A study published in the Journal of Agriculture Food Chemicals found decreased creatinine levels in study participants who drank chamomile tea. Plus, this herb will work as a mild sed-ative and induce relaxation. Drink 1 to 2 cups of chamomile tea daily.
2. Cinnamon – Due to its diuretic properties, cinnamon is considered good for those suffering from high creatinine levels and kidney problems. It helps increase kidney output and promotes renal filtration ability. It also helps regulate blood sugar levels, thus preventing further renal damage. Take one-half to one teaspoon of cinnamon a day.
3. Siberian Ginseng – Contains eleutheroside compounds which is also an effective remedy to get rid of excess creatinine because it revitalizes the kidneys. Do not confuse Siberian ginseng with other types of ginseng, especially Asian ginseng which has an anti-diuretic effect. Recommended dosage is 300 to 600 mg per day.
4. Corn silk or hair – Acts as a natural diuretic and anti-inflammatory agent. It helps increase urine out-put, thus aiding in removing excess creatinine. It also reduces edema and lowers high blood pressure. Put two teaspoons of dried corn silk in a cup. Pour boiling water over it. Cover and allow it to steep for 10 to 15 minutes. Strain and drink this tea 3x a day.
5. Barley – Helps reduce blood urea nitrogen (BUN) levels and treat nephrocalcinosis. Being rich in fi-ber, barley helps reduce blood sugar levels and improves digestion as well. Plus, it has a high nutritive value due to its rich vitamin and mineral content. Drink 1 sachet only daily.
* The usual cost of dialysis is Php 2,500 to 4k per session, excluding medicines.
* The usual cost of kidney transplant, which includes professional fees, hospital stay, medications, etc is Php 500k to 1.5 Million (depending on the hospital).
* Although it is illegal, kidneys for sale may range from $2k to $3k. Less than 1/2 goes to the actual do-nor. The rest goes to the recruiters and other personnel.
*Quotes
“And Jesus saith unto him, I will come and heal him.”
– Matthew 8:7

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!

Comments are closed.