NAPIGILAN ng mga tauhan ng Philippine Aviation Security Group ng Philippine National Police (Avsegrp-PNP) ang tangkang pagdukot ng tatlong Chinese nationals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.
Nangyari ang insidente dakong alas-6:23 ng gabi nitong Sabado sa may gate 7 ng departure area sa NAIA terminal 3 sa harap ng Duty Officer na si Ronald Bercasi na siyang nag-report sa police headquarters.
Sinabi ni Bercasio na nakita niya ang grupo ng mga Chinese na pinipilit isakay ang tatlo nilang kababayan sa dalang sasakyan ng mga suspek na puting Toyota Grandia van na may plate number VG 8479 na naka-park ito sa harap ng Gate 7.
Agad siya tumawag ng mga tauhan ng Special Operation Unit (SOU) ng NAIA at agad na nahuli ang mga suspek.
Nakuha sa mga ito ang halagang P260,252, passports, cellphones, mga posas at susi at mga identification card.
Nakilala ang mga biktima na sina Huanbo Xu, Jingmin Xu and Kailang, na agad na dinala sa opisina ng PNP Avsegroup kasama ang mga suspek na sina Jhong Ruei Yu, Zhang Lee, Yang Shuwen, Wei Chong, Ziu Cheng, Chen Xin at Qi Long na kalaunan ay ibiniyahe sa PNP-AKG Headquar-ters sa Camp Crame, Quezon City para sumailalim sa imbestigasyon bago sampahan ng kaukulang kaso. FROI MORALLOS