PAG-MONITOR SA KALIDAD NG HANGIN PRAYORIDAD NG DENR

William Cuñado

BINIGYANG prayoridad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagmo-monitor sa kalidad ng hangin upang masigurong protektado ang kalikasan at kalusugan ng publiko sa pa­nganib ng polusyon sa hangin.

“Air quality monitoring, which is an integral part of an effective air quality management system, has always been one of the top priorities of the Department,” ayon kay Director William Cuñado ng Environmental Management Bureau (EMB), isang sangay ng DENR na nagtatakda ng air quality standard at nakatutok sa pag-monitor ng pinanggagali­ngan ng polusyon.

Inilarawan ni Cuñado na ang air quality monitoring ay isang mahalagang hakbang upang makagawa ng agarang aksiyon para sa air pollution na ayon sa World Health Organization (WHO) ay isang environmental health risk na maaaring panggalingan ng iba’t ibang sakit tulad ng cardiovascular at respiratory ailments, stroke at lung cancer.

“By providing accurate and reliable data through our air quality monitoring, we could help the public—especially those who are at risk—to take action to better protect their health and guide our policymakers in coming up with measures to tackle air pollution,” wika pa ng opisyal.

“The EMB has a total of 75 air quality monitoring stations that are strategically located in 16 regions nationwide, 34 of those are capable of continuous online monitoring, while 41 are using manual method of sampling,” dagdag pa ni Cuñado.

Ang mga naturang istasyon ay kayang sumukat ng air pollutants partikular na ang PM10 o particulate matter na mas maliit pa sa 10 micrometers in diameter at PM2.5 na ang diameter ay may sukat na 2.5 micrometers o mas mababa.

Labing-lima naman sa mga ito na nakakalat sa walong rehiyon ay kayang sumukat ng gaseous air pollutants tulad ng carbon monoxide, nitrogen oxide at sulfur oxide.

Upang matiyak na tama ang datos na maibibigay sa publiko, sinabi ni Cuñado na regular ang pagsasagawa ng calibration at maintenance sa bawat monitoring station ng kanilang EMB technical personnel.

Prayoridad naman ng EMB ang pag-monitor sa PM2.5 dahil ito ang nalalanghap natin na dumidiretso sa ating respiratory tract at umaabot sa ating baga. Ang mga maliliit na particles na ito ay maaaring makapinsala sa a­ting kalusugan. BENEDICT ABAYGAR, JR.