PAG-RECALL SA PH ENVOYS SA CANADA, NORMAL LAMANG

Ambassador Lauro Baja

WALANG dapat ikabahala ang Canada at Fi­lipinas sa naging pasiya ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin na i-recall ang Philippine ambassador at consuls sa Canada.

Ito ay matapos mabigo ang Canada na hakutin sa itinakdang petsa ang kanilang mga basurang itinambak sa bansa.

Ayon kay dating Foreign Affairs Secretary Ambassador Lauro Baja, karaniwan nang ginagawa ang pagpapa-recall sa mga opisyal ng embahada para magpakita ng pagkadismaya sa isang partikular na isyu na kinasasangkutan ng dalawang bansa.

Naniniwala rin si Baja na hindi makaaapekto ang nasabing usapin sa mga Filipinong nasa Canada.

Gayundin, umaasa ang dating ambassador na mareresolba rin sa lalong madaling panahon ang usapin sa basura ng Canada sa Filipinas.

“There are other aspects of bilateral relations between the Philippines and Canada we should not be affected too much by this latest development. And I hope that the issue could be resolve by talking to each other, talking to a dip-lomatic dialogue. I hope I am expecting the Prime Minister of Canada could reach us to us after all it’s their problem, the issue did not arise from us,” pahayag ni Baja.

Comments are closed.