HINDI pa alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng nasa may dalawang libong bilanggo matapos na sumailalim sa expanded good conduct time allowance law.
Ito ang kinumpirma ni Senador Bong Go na hindi pa dumaan sa tanggapan ni Pangulong Duterte ang hakbang ng Bureau of Corrections (Bu-Cor).
Dahil dito, nais ng Pangulo na magpaliwanag ang mga opisyal ng BuCor kaugnay sa pagpapalaya sa may 1,914 na mga bilanggo.
Nauna nang sinabi ng Malakanyang na hindi pinapayagan sa ilalim ng Republic Act 10592 ang pagpapalaya sa mga bilanggong nakagawa ng karumal-dumal na krimen. VICKY CERVALES
Comments are closed.