PAG-ULAN SA MINDANAO SANHI NG ITCZ

PINAWI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pangamba ng mga residente ng Southern Mindanao hinggil sa nararanasang ulan sa kanilang lugar.

Ayon sa weather bureau, Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang sanhi ng pag-ulan sa nasabing rehiyon.

Habang Shear Line ang nakakaapekto sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Amihan naman ang nakakaapekto sa natitirang bahagi ng Northern Luzon.

Ang Cagayan Valley at Aurora ay daranas ng scattered rainshowers at thunderstorms dahil sa Shear Line .

Ang Metro Manila, Central Luzon, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region ay magkakaroon ng isolated rainshowers dahil sa Amihan.

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay maitatala ang isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms.

Sumikat ang araw alas-6:16 at lulubog alas-5:32 ng dapithapon.