GANAP nang isang batas ang pagtatatag ng Negros Island Region(NIR) matapos lagdaan ito ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. nitong June 13, 2024, Huwebes.
Ayon kay Senador Lito Lapid, Chairman ng Senate Committee on Tourism, naging bahagi sya sa pagbalangkas ng NIR law sa ilalim ng Senate Bill No. 2507 na inaprubahan ng Senado noong March 12, 2024.
Bilang awtor, nag-file si Lapid ng Senate Bill No. 1469 o ang Negros Island Region Act of 2022 noong November 7, 2022.
Sinabi ni Lapid na ang pag-iisang rehiyon ng Negros Island at Siquijor Island ay magdudulot ng mas maayos, mas mabilis at mas episyenteng serbisyo publiko para sa ating mga kababayang Negrense.
Ayon pa kay Lapid, malaki rin itong tulong sa pag-unlad ng rehiyon sa larangan ng turismo, kultura, economic development, industry transformation at Information and Communication Technology.
Pinapupurihan ni Lapid ang Pangulo sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga Negrense.
Nauna rito, pinawalang-bisa ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Negros Island Region dahil sa ilang kakulangan sa batas.