PAG-UWI NG 300 OFWs MULA SA LEBANON PLANTSADO NA

Lebanon

PLANTSADO na ang ikatlong chartered flight na susundo sa 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lebanon.

Nabatid na aalis ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasabing eroplano sakay ang i­lang tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Setyembre 25 sa ganap na alas-4 ng madaling araw.

Babalik naman sa Filipinas ng Setyembre 26 sa ganap na alas-9 ng umaga.

Ang nasabing flight ay magde-deliver din ng relief goods para sa Filipino communities sa Lebanon.

Ito na ang pangatlong chartered flight simula nang mangyari ang pagsabog sa Port of Beirut noong nakalipas na buwan. LIZA SORIANO

Comments are closed.