PAG-UWI NI VELOSO PINOPROSESO NA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sinisimulan na ang proseso sa pag -uwi sa bansa ng Pinay drug mule convict sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega, may binubuo ng team ang Department of Justice (DOJ) sa pakikipagtulungan sa DFA at NBI na siyang makikipag usap sa Indonesia hinggil sa proseso sa pag­lipat ng isang detainee mula sa ibang bansa.

Sinabi ni De Vega na hindi pa alam ni Mary Jane Veloso ang magandang balita tungkol sa kanya dahil hindi pa nila ipinararating  dahil hindi pa naman ito opisyal.

Sa ngayon pinaplantsa pa nila kasama ang Indonesian government ang magiging term of transfer ni Veloso.

Mismong si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang nagkumpirma na mapapauwi na sa Pilipinas si Veloso, matapos magdesisyon ang Indonesia na ipasa sa Pilipinas ang kustodiya rito.

Si Veloso ay nakulong sa Indonesia noong 2010 dahil sa kasong drug trafficking at nahatulan ng parusang kamatayan.