PAGADIAN, CLARIN HUMIRIT SA VISMIN CUP MINDA LEG

pagadian vs petra

SINIMULAN ng Pagadian at Clarin ang kampanya sa magkaibang pamamaraan para sa impresibong debut sa pagpapatuloy ng Mindanao leg ng VisMin Pilipinas Super Cup Huwebes ng gabi sa Provincial Gymnasium sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Naisalpak ni Von Lloyd Dechos ang go-ahead triple sa krusyal na sandali para sandigan ang Pagadian sa makapigil-hiningang 82-80 panalo sa overtime kontra Petra Cement-Roxas sa unang laro ng double-header ng kauna-unahang professional league sa South.

Naghahabol sa gahiblang isang puntos na bentahe, inagaw ng homegrown player na si  Dechos ang atensiyon mula sa mga beteranong kasangga sa naisalpak na three-pointer para makuha ang bentahe tungo sa panalo.

May pagkakataon ang Roxas na maagaw ang panalo matapos ang magkasunod na pagsablay sa free throw nina Explorers Keanu Caballero at Jeric Serrano, subalit hindi pinalad ang buzzer-beating three ni Chito Jaime.

Natapos ang regulation period sa 68-all nang sumablay ang three-pointer ni Vanguard forward JK Casiño, may 3.5 segundo ang nalalabi.

Sa main game, pinatunayan ng Clarin kung bakit sila ang pre-tournament favorite nang dominahin ang Misamiz Oriental, 73-63.

Mula sa siyam na puntos na bentahe, nahila ng Sto. Niño ang kalamangan sa 50-43, tampok ang 13-6 blast sa pagtatapos ng third period. Umabot sa pinakamalaking 21 puntos ang abante ng Clarin nang maisalpak ni Marvin Hayes ang jumper, may 7:06 ang nalalabi sa laro.

Nakabawi nang bahagya ang Brew Authoritea sa ibinabang 11-0 run para makadikit sa  52-62, may 3:50 ang nalalabi.

Nanguna sa Clarin ang beteranong si Carlo Lastimosa na kumana ng 15 puntos, habang tumipa si Marvin Hayes ng 12 markers at anim na rebounds mula sa bench.

Hataw sa Pagadian sina Caballero at John Edros Quimado na may tig-12 puntos, habang kumamada ng tig-10 puntos sina Dechos, Christian Manalo, at Rich Guinitiran.

Iskor:

Unang Laro:

Pagadian (82) – Quimado 12, Caballero K. 12, Guinitaran 10, Manalo 10, Dechos 10, Villaver 8, Serrano 7, Acaylar 5, Saludsod 3, Demigaya 2, Pamaran 2, Benitez 1, Bolotaolo 0, Caballero R. 0, Divas 0.

Roxas    (80) – Najorda 15, Bondoc 15, Sta. Ana 14, Reyes 13, Castro 7, Jaime 6, Velasco 2, Elmejrab 2, Camacho 2, Casino 2, Deles 2, Intic 0, Rifarial 0, Templo 0, Pasia 0.

QS: 14-20, 35-38, 58-54, 68-68, 82-80.

Ikalawang Laro

Clarin (73) – Lastimosa 15, Hayes 12, Wilson 11, Raymundo 10, Eriobu 7, Marcelino 5, Mangahas 5, Feuntes 3, Baetiong 3, Pancho 2, Palattao 0, Pagente 0, Berdan 0, De Mesa 0, Lucemas 0.

MisOr (63) – Buenafe 13, Cawaling 11, Sedurifa 9, Ballestero 8, Cervantes 8, Estrella 7, Baracael 7, Meca 0, Salcedo 0.

QS: 15-11, 33-20, 50-34, 73-63.

6 thoughts on “PAGADIAN, CLARIN HUMIRIT SA VISMIN CUP MINDA LEG”

  1. 215938 692061Wow, fantastic blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look effortless. The overall look of your web web site is great, let alone the content material! 707242

Comments are closed.