ANG itlog po ay hindi lamang masarap at masustansyang pagkain kundi maganda ring hair Conditioner – wala pang side effects. Heto po ang paraan ng paggawa:
Batihin ang isang eggyolk at Haluan ng isang kutsariyang honey at isang kutsaritang olive/coconut oil. Mag-shampoo munang mabuti at pagkatapos ay i-massage ang eggyolk mixture sa basang buhok at sa anit, hanggang sa ugat ng buhok. Hayaan ng 90 minuto. Balutin ng tuwalya. Banlawang mabuti sa maligamgam na tubig.
Para sa dry or damaged hair, gamitin ito at least once a week at makikita ninyo ang malaking epekto nito sa inyong buhok. SHANIA KATRINA MARTIN