PAGASA NAGPALIWANAG SA WEATHER ADVISORY

NAGPALIWANAG ang State weather bureau na PAGASA matapos sisihin ni Senador Imee Marcos ang ahensiya sa umano’y kakulangan nito ng maagang pag­lalabas ng warnings na nagresulta sa pagkasawi ng 150 katao sa ng pananalasa  bagyong Kristine sa bansa.

Sinabi ni PAGASA deputy administrator for research and development Marcelino Villafuerte II, kanilang tinatanggap ang  paha­yag ng senadora bilang constructive criticism at ginagawa na  nila ang kanilang makakaya para mapahusay pa ang kanilang mga serbisyo at makapag-bigay ng mas maayos na impormasyon sa publiko.

Iginiit  ni Villafuerte na maaga pa lamang o dalawang linggo bago pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang posibleng bagyo, ipinapaalam na nila ito sa publiko.

Maliban dito, isinasama rin ng ahensiya ang weather advisory para sa inaasahang pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga lugar.

MA. LUISA GARCIA