PAGASA NAKATUTOK SA BAGYONG EGAY

CENTRAL LUZON-TINUTUTUKAN ngayon ng husto ng PAGASA ang Bagyong Egay na posibleng maging isang ganap na Super Typhoon ngayong Martes matapos na mabilis itong nag-intensify at lumawak pa ang saklaw kaya dumami din ang mga bayan na inilagay sa ilalim storm warning signal.

Maaari umanong palakasin ng bagyo ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas sa susunod na tatlong araw.

Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, maaaring lumakas pa si Egay bilang isang super typhoon sa Martes o Miyerkules na direktang tumama o lumapit ito sa Batanes-Babuyan area.

“Posible po na yung track nitong bagyo ay pumunta pa or mag-southward pa, mas lumapit sa kalupaan,” ani Badrina.

“Kaya po itong area nitong Cagayan Valley, partikular na yung probinsya ng Cagayan, gayundin sa Apayao at sa Ilocos Norte, kailangan po talagang mag-ingat at maghanda yung mga kababayan natin d’yan dahil bukas (Martes) ng gabi hanggang hapon o tanghali ng Miyerkoles pinakamararanasan yung impact nitong bagyong Egay,” dagdag pa nito.

Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes, sa Central at eastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Maconacon, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Roxas, Burgos, Ilagan City, Divilacan, San Mariano, Gamu, Naguilian, Benito Soliven, City of Cauayan, Reina Mercedes, Luna, San Manuel, Aurora, Cabatuan, San Guillermo, Echague, Jones, Angadanan, Alicia, San Mateo, San Isidro, San Agustin Eastern portion of Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi) Eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Sagñay) Northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan), eastern portion of Quirino (Maddela) Eastern and central portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Amulung, Alcala, Iguig, Tuguegarao City, Solana, Enrile) Northern portion of Camarines Norte (Calaguas and Maculabo Islands) Northeastern portion of Northern Samar (Laoang, Palapag) VERLIN RUIZ