INIHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na ramdam na ang pagbaba ng presyo ng bigas, gulay at iba pang produktong agrikultura.
Ito ay sa harap ng patuloy na paninisi sa mataas na presyo ng bigas at lumobo umano ang inflation sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, hindi ang mataas na presyo ng bigas ang nagpaakyat sa inflation rate kundi ang mga espekulasyong nag-ugat sa TRAIN Law.
Napasentro lamang ang pansin sa bigas dahil nawala sa merkado ang National Food Authority (NFA) rice nang ma-delay ang importasyon nito at ng private sector.
Tiniyak naman ni Piñol na bago matapos ang Oktubre, sisimulan na nila ang mga repormang ipatutupad sa industriya ng bigas.
Kabilang dito ang pagtanggal na sa mga mapanlinlang na pangalan ng mga bigas at papalitan ito ng regular o well milled na label ng variety ng palay na pinagmulan ng bigas.
Lalagyan na rin nila ng karatula ang mga bigas kung imported o lokal ito.
Comments are closed.