MAKATUTULONG para mapababa ang inflation rate sa bansa ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado.
Ayon sa Department of Finance Strategy, Economics and Results Group, malaki ang naging impact ng pagpasa ng R.A. 11203 o Rice Tarrification Law dahil nawala ang Quantitative Restrictions (QRs) sa pag-import ng mga bigas.
Karamihan sa mga nagbebenepisyo ng bagong batas ang mga mahihirap na Filipino na gumagastos ng dalawampung porsiyento sa kanilang budget ng pambili ng bigas.
Inaasahan na mababawasan ang kahirapan, malnutrisyon at kagutuman bago matapos ang taon dahil makabibili na ang mga Pinoy ng mura ay dekalidad na bigas sa merkado. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.