PAGBABA NG REMITTANCES, IIMBESTIGAHAN SA KAMARA

Bernadette Herrera-Dy

SISILIPIN ni House Assistant Majority Leader Bernadette Herrera-Dy ang pagbaba ng remittances sa mga OFW.

Batay sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas naman sa 2.4% o $23.7 billion ang remittance growth ng mga OFW mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Ayon kay Herrera-Dy, bagamat mataas pa rin naman ang OFW remittances ngayong taon mas mataas pa rin ang remittances ng mga OFW noong nakaraang taon na nasa 4.7%.

Pinakamataas na growth rate sa OFW remittances ay naitala nitong Marso na nasa 4.4% habang pinakamababa ay 1.3% at ang average growth rate ay nasa 2.9%.

Sinabi ng lady-solon na mataas pa rin naman ang OFW remittances kung ikukumpara sa foreign direct investments na nasa $7.4 billion lamang sa unang walong buwan ng 2018.

Pero, mula  Enero  hanggang Setyembre  2018, bu­magsak sa 17.3% o bumaba ng halos $1 billion ang remittances ng mga OFW sa Gitnang Silangan na hinihinalang nakaapekto sa growth rate ngayong taon.

Susuriin din ng kongresista kung saan pang mga bansa bumaba ang OFW remittan­ces.           CONDE BATAC