MAGANDA ang ibinalita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maaaring bumaba ang presyo ng bigas sa Oktubre.
Parang sweet song ito sa sambayanang Pilipino dahil lahat naman ay asam ang pagmura ng bigas.
Simboliko kasi ito ng ekonomiya ng bawat isa dahil ang bigas o kanin ay sandigan ng bawat Pinoy sa araw-araw na aktibidad, pagtatrabaho o pag-aaral.
Sabi nga, rice is life sa bawat Juan.
Kaya ang magandang balita, mababawasan ang gutom.
Ngunit alamin natin bakit nakaamba ang pagbaba sa presyo ng bigas at tamang-tama naman dahil ‘ber‘ months ito magaganap.
But wait, there’s more. Mararamdaman ang pagbagsak ng presyo ng bigas sa January 2025.
Ang pagbaba sa presyo ng bigas ay epekto ng tariff cut sa imported rice alinsunod sa Executive Order Number 62.
Habang ang kabuuang magandang epekto ng tapyas-taripa ay mararamdaman sa January 2025.
Kahit sa Enero pa mararamdaman ang epekto ng tariff cut, ang mahalaga ay naisilbi ang layunin ng nasabing EO.