“IPAGPATULOY natin ang pagbabago.” Ito ang pahayag ni Senador Christopher ‘Bong’ Go kasabay ng pahayag na maging siya ay positibo sa 2020 tulad ng maraming Filipino.
Nanawagan ang senador na ipagdasal ng sambayanan na maging mas mabunga pa ang 2020 para sa lahat ng mga Filipino.
Anang senador, kahit tanungin pa ang taumbayan ay marami ang nagsasabing masaya sila at kontento sa mga pagbabagong ipinatutupad ng gobyernong Duterte dahil nakakauwi sila nang mas ligtas sa kanilang mga bahay.
Binigyang-diin pa nito, ipagpapatuloy niya ang mga naumpisahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ni Go na maging ang mga magulang na nasa abroad ay masaya na nakakauwi nang ligtas sa kanilang mga bahay at hindi mag-sasawa si Pangulong Duterte na gawin ang kanyang trabaho para sa sambayanan.
Kinumpirma ni Go na mananatili lang din si Pangulong Duterte sa bahay nito kasama ang kanyang pamilya. VICKY CERVALES
Comments are closed.