PAGBABAGO SA CURFEW HOURS, AGE RESTRICTION INIREKOMENDA

francis zamora

IMINUNGKAHI ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa Metro Manila Council at ng Inter Agency Task Force ang pagbabago sa curfew hours sa  Metro Manila maging sa  adjustment sa  age restrictions para sa mga nagnanais na makalabas sa kanilang  mga bahay.

Ayon kay Zamora, inirekomenda niya ang planong pagbabago sa  curfew hours na mula alas- 12 ng hatinggabi hanggang alas- 4 ng madaling araw,gawing  alas- 12 hatinggabi hanggang alas-3 ng madaling araw upang pahintulutan ang mga Filipino na dumalo sa tradisyunal na Simbang Gabi at ipapatupad sa mga mananampalataya ang mahigpit na physical distancing at iba pang precautionary measures at safety protocols.

Iminungkahi rin ng alkalde sa isinagawang Metro Manila Council Meeting kahapon ang pagbaba ng age restrictions na makalabas sa kanilang tahanan na mula 18-anyos gawing 15-anyos hanggang  65-anyos.

Kasabay din nito, pinangunahan ni Zamora ang simpleng seremonya sa ika-157 Bonifacio Day Commemoration sa  Barangay Hall, JP Rizal St, Barangay Onse kasama si National Historical Commission of the Philippines Executive Director Restituto Aguilar at ilang mga piling opisyal ang pagbibigay pugay ng National Hero at  Katipunan leader Andres Bonifacio. ELMA MORALES

Comments are closed.