PAGBABAKUNA, ‘DI APEKTADO SA P14-B BUDGET CUT SA DOH

BAKUNA

TINIYAK   ng Department of Health na hindi maaapektuhan ang immunization program  ng kagawaran sa pagtapyas sa P14 bilyon sa budget  nito ngayong taon.

Ito ay sa gitna ng outbreak o pagkalat ng mga may tigdas sa  Metro Manila at iba pang mga rehiyon sa bansa.

Dati nang ipinanukala ng Department of Budget and Management ang P31-billion budget cut sa DOH dahil sa kontro­bersiyal na barangay health stations project nito na hanggang ngayon ay nakabinbin pa.

Nabatid  na 270 units pa lang mula sa target na 5,700 barangay health stations ang natapos noong 2018.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nauunawaan nila ang hakbang na ito ng  DBM. Ang mahalaga  ay napigilan ito at naibaba sa P14 bilyon.  NENET VILLAFANIA

Comments are closed.