WALANG mangyayaring pilitan sa hanay ng Philippine National Police para magpaturok ng anti -COVID 19 vaccine.
Subalit, ayon kay Deputy Chief for Administration Lt Gen Guillermo Eleazar, sa ngayon nagsasagawa na ng information dissemination sa mga pulis para mahikayat ang lahat na magpabakuna.
Aniya, sa kasalukuyan mayroon nang 700 mga PNP personnel ang boluntaryong nagpahayag na nais nilang magpabakuna.
Ayon pa kay Eleazar, 63 percent sa hanay ng PNP ang nagpahayag din na magpapabakuna sila kahit anong brand pa.
Idinagdag pa nito, magpapatuloy ang paghikayat sa lahat ng pulis at umaasa si Eleazar na lahat ng miyembro ng PNP ay magpapabakuna para mas magampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin ngayong may pandemya.
Tiniyak din ni Eleazar na nakahanda ang PNP sa posibleng pagkakaroon ng side effects sa mga mababakuhan na nakabatay sa DOH guidelines. REA SARMIENTO
Comments are closed.