PANSAMANTALANG sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang pagbibigay ng ikalawang dose ng Sinovac at Sputnik V vaccines dahil sa limitadong suplay ng mga ito.
Ito ay napag-alaman kay Dr. Juliana Gonzales ng Health Office (CHO) na nagsabing ang naturang suspensiyon sa pagtuturok ng ikalawang dose ng mga bakuna ay naka-post sa mensahe ng video sa opisyal na Facebook page ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas.
Ani Gonzales na ang mga residente na nakatanggap ng kanilang unang dose ng Sinovac at Sputnik V vaccines ay walang dapat na ikabahala dahil sa sandling dumating ang panibagong suplay ng bakuna,agad na ipagpapatuloy ito ang baksinasyon.
May posibilidad na maantala ang pagbibigay ng ikalawang dose ng bakuna ng 3 hanggang 6 na buwan, ayon sa mga eksperto ng National Vaccination Center.
Samantala, sinabi pa ni Gonzales na patuloy naman ang pagbibigay ng ikalawang dose ng vaccines na AstraZeneca at Pfizer sa mga residente.
Napag-alaman na ang “Ligtas na Las Pinero, Lahat Bakunado” vaccination program ng lokal na pamahalaan ay nakapagturok na ng bakuna sa 268,953 residente kung saan ang 203,953 sa mga ito ay tumanggap ng unang dose habang 64,099 indibidwal naman ang nakatanggap ng kanilang ikalawang dose ng vaccine. MARIVIC FERNANDEZ
921558 760950This internet site is actually a walk-through it actually is the data you desired relating to this and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will undoubtedly discover it. 741625
587359 102294I feel 1 of your ads triggered my internet browser to resize, you might want to put that on your blacklist. 606900