SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang pagbabakuna sa lungsod na napapabilang sa A5 priority group.
Isinagawa ang pagbabakuna sa A5 group gamit ang vaccination bus kahapon sa Bagong Lipunan Condominium Tenement, Brgy. Western Bicutan, Taguig.
Target ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng bakuna sa mga 1,000 residente na nasa A5 kategorya.
Ang naturang vaccination bus na dati lamang na nakapagbibigay ng bakuna ng hanggang 200 katao sa isang araw ay makapagtuturok na nang hanggang 1,000 katao para sa ikalawang dose na napapailalim sa mga kategorya ng A4 (essential workers) at A5 sa Tenement event.
Isa pang vaccination bus ang itatalaga ng lokal na pamahalaan sa Brgy. Bagumbayan para mabakunahan din ang 1,000 mamamayan.
Matatandaan na pansamantalang ipinatigil ng lokal na pamahalaan ang pagbabakuna ng mga residente noong Hunyo 28 dahil sa kakulangan ng Certificate of Analysis (COA) na manggagaling sa mismong manufacturer na Sinovac Life Sciences at nang nagkaroon na ng COA ang lungsod ay agad na ipinagpatuloy ang pagtuturok ng una at ikalawang dose ng Sinovac vaccines noong Hunyo 30.
Kahapon ay natanggap na rin ng lungsod ang 6,000 doses ng Moderna vaccine na gawa ng Moderna Biotech Spain na nakatakdang ipagkaloob sa mga senior citizen at outbound overseas Filipino workers (OFWs).
Nag-isyu naman ang Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) noon pang Mayo 5 sa Zuellig Pharma para sa emergency na paggamit ng Moderna sa bansa.
Ang Moderna ay mayroon din na dalawang dose ng vaccine na ituturok na may pagitan na 28 araw sa mga residenteng may edad na 18 pataas.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 430 magsasaka at fisherfolks na napapabilang sa kategoryang A4 ay napagkalooban na rin ng kanilang unang dose ng bakuna. MARIVIC FERNANDEZ
944992 940790Some genuinely good and utilitarian info on this web site , likewise I believe the style and style contains superb capabilities. 355082