PAGBABAKUNA SA MGA GURO ‘DI DISKRIMASYON -DEPED

HINDI diskriminasyon ang requirement na pagpapabakuna kontra COVID-19 ng mga guro at tauhan na kabilang sa face-to-face classes.

Ito ang nilinaw ng Department of Education (DepEd) hinggil sa kanilang patakaran kaugnay sa protocol ng gobyerno na dapat bakunado o may negatibong swab tests results ang mga indibidwal na magtatrabaho on site.

Aniya, ito’y isang paraan upang maprotektahan ang mga mag-aaral, kliyente at mga empleyado na mahawahan ng nasabing virus sa mga paaralan at mga opisina.

Samantala, sinabi ng DepEd na ang mga hindi bakunadong guro at empleyado ay hindi maaaring tanggalin at nanatiling obligado na magtrabaho.