PAGBABAKUNA SA REGION 2 SINIMULAN NA

NUEVA VIZCAYA-SINIMULAN na kahapon ang nationwide na pagbabakuna ng Sinovac sa mga health worker rehiyon 2 kung saan unang nabakunahan ang 2-Trauma and Medical Center (R2TMC) sa lalawigan ito.

Pinangunahan naman ng limang doktor ang pagbabakuna sa naturang pagamutan kabilang sina Dra. Rowena Constantino, Medical Department Head, at si Janice Borja Head Nurse ng (R2TMC) at iba pa.
Bago sinimulan ang pagbabakuna, isang press conference ang isinagawa na dinaluhan ng mga mamamahayag ng Isabela at Nueva Vizcaya TRI-MEDIA, kasama ang Manager ng Philipinne Imformation Agency (PIA) Nueva Vizcaya.

Ayon kay Dr. Napoleon Obaña, medical center chief ng R2TMC, tatlong teams ang kanilang binuo para sa vaccination kung saan nasa 300 health care workers ang target na bakunahan ngayong araw na mula sa 1,167 na staff ng naturang pagamutan, 435 lamang ang nakatakdang bakunahan sa unang batch.

Ayon sa pamunuan ng R2TMC, ibabalik ng unang batch na nabakunahan ang empty vials sa regional office ng Department of Health para sa kaukalang disposisyon kasabay na rin ng kanilang pagsumite ng pangalan para sa mapapasama sa ikalawang doses.

Sa pahayag naman ni Dra. Rowena Constantino, wala naman umano siyang naramdaman na adverse effect matapos siyang mabakunahan at maliit na kirot lamang ng injection na karaniwang normal lamang.

Makaraang maturukan ang limang mangagamot ay sumunod na rin ang mga kuwalipikadong mga nagnanais na magpaturok ng Sinovac Vaccine, kung saan ay mahigit sa tatlong daang healthcare workers ang kanilang babakunahan.

Iginiit naman ni Dr. Napoleon Obaña, Kahit naturukan na Sinovac at dapat sundin pa rin ang mga health protocols na panuntunan tulad ng pasusuot ng face mask, face shield palagiang pag huhugas ng kamay lalo na ang social distancing. IRENE GONZALES

One thought on “PAGBABAKUNA SA REGION 2 SINIMULAN NA”

Comments are closed.