NANINDIGAN si Senador Christopher’ ‘Bong’ Go na hindi dapat pilitin ang pagbubukas ng klase sa mga estudyante kung hindi pa handa ang lahat.
Ito ang tugon ni Go sa mga magulang na nagpaabot ng pasasalamat dahil sa pagsusulong niya na ipagpaliban ang pasukan na nakatakda sana sa Agosto 24.
Ipinaliwanag ni Go na nasa gitna ng krisis ang bansa at marami ang naghihirap dahil marami ang nawalan ng trabaho.
Dahil dito ay marami ang walang pambayad ng matrikula at pambili ng mga gamit lalo na ngayon na kasama ang mga gadget sa blended learning.
Binigyang diin ni Go na magandang maipagpaliban ang pagsisimula ng klase sa pampublikong eskuwela upang hindi na makadagdag sa pressure na dala ng krisis ng COVID-19.
Giit pa ni Go na kahit online blended learning, tiyak na mapipilitang lumabas ang mga estudyante upang bumili ng kanilang mga kakailanganing gamit.
Maganda aniuang pagkakataon na rin ang postponement ng pagbabalik-klase upang plantsahin ang mga kulang pa sa paghahanda para sa maging maayos ang pag-aaral ng mga bata.
Samantala, pabor si Go na wala munang babagsak na mga estudyante ngayong taon dahil maraming problema ang iniisip ng mga magulang at maging ng mga estudyante dahil sa COVID-19. VICKY CERVALES
Comments are closed.