GOOD day, mga kapasada!
Lubos ang pasasalamat ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) sa pahayag na ang mga provincial bus ay makabibiyahe nang muli patungong Maynila on terminal to terminal basis.
Ito ang kinumpirma ni Engineer Alex Yague, PBOAP executive director, base sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete na nagpapahintulot sa muling pagbiyahe ng mga provincial bus in point-to-point routes.
Ayon kay Yague, malaking tulong ito sa dinaranas napagdarahop sa buhay ng mga naapektuhang miyembro ng PBOAP na nawalan ng trabaho mula nang ipahinto ang kanilang pagyayaot mula sa lalawigan patungong Maynla likha ng C0VID-19 pandemic.
Sa isang panayam, tiniyak ni Yague na gagamitin ng mga bus operator ang kanilang mga existing terminal sa loob ng Maynila sa pasubali na kanilang susundin ang safe-ty protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IAFT), kasama ang pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing.
Tiniyak ni Yague na hindi magkakaroon ng multiple transfer on provincial trips upang matiyak ang zero infections na maaaring maganap sa panahon ng paglipat sa ibang sasakyan.
“Tayo po sampu ng lahat ng ating mga opisyal at miyembro sa provincial bus ay taos-pusong nagpapasalamat sa Pangulong Duterte at sa kanyang Gabinete sa pagbdibigay ng ‘go signal’ sa provincial bus na makabiyahe na muli sa ilalim ng suprbisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), gayundin sa lahat ng local government units na nagbigay ng ‘go signal’ na makabalik sa paggulong sa lasanganng mga provincial bus,” pahayag ni Yague.
Samantala, nabuhayan ng pag-asa ang mga naapektuhang miyembro ng PBOAP sa muling pagbabalik nila sa lansangan upang kumita ng kanilang pampamilyang pangnapag kainang pangangailangan na matagal na ring pinagdurusahan ng mga apektadong miyembro ng PBOAP.
PAYONG PANGKALIGTASAN SA PAGMAMANEHO SA GABI
Sa panahon ngayon ay nasusuong sa panganib ang nagmamanehong mag-isa lalo na kung babae at sa gabi nagmamaneho.
Kaugnay nito, may collective efforts ng Imperial Auto na pinagsikapang pinagsama-sama ang ilang mga kabahalaan sa paglalakbay upang pahapyaw na mabigyang payo ang mga driver na manatiling ligtas kapag nagmamanehong mag-isa lalo na sa gabi.
Ang ganitong mga pagpapayo ay hindi lamang nakatuon sa nga lalaking driver kundi higit sa nabibilang sa weaker sex (kababaihan).
Kabilang sa mga payong kaligtasan para maiwasan ang anumang kasiphayuan sa pagmamaneho kung nag-iisa, lalo na sa gabi ang mga sumusunod:
- PLANUHIN ANG IYONG RUTA SA MAAGANG PANAHON
Ang pag-alam kung saan patutungo sa takdang araw ay hindi lamang makababawas sa oras ng paglalakbay kundi ito ay makatitiyak pa rin sa pook na pupuntahan sa takdang oras, idagdag pa rito ang matipid na konsumo sa gasolina.
- TIYAKIN NA MAY SAPAT NA GASOLINA UPANG MAKATIYAK NA MAKARARATING SA PATUTUNGUHAN NANG WALANG PROBLEMA.
Sa katotohanan, mayroong mga driver na nakalilimot na tingnan ang fuel gauge ng kanilang sasakyan bago lumarga sa malapitan o malayuang biyahe. Paano kung mau-busan ng gasolina sa isang mahabang highway na walang gasoline station? Dapat itong paghandaan bago magbiyahe.
- SURIING MABUTI ANG MGA PANGUNAHING DAPAT ISAALANG-ALANG SA KONDISYON NG INYONG SASAKYAN BAGO MAGBIYAHE.
Tiyakin na ang ilaw ng sasakyan ay gumagana nang maayos at nasa wastong pressure ang gulong, gayundin ang iyong spare tire.
- TANDAAN ANG MGA LAND MARK SA NILANDAS NA RUTA O DAAN UPANG HINDI MALIGAW PABALIK SA GABI.
Maraming mga driver ang nalalayo ng biyahe pabalik dahil hindi matandaan ang rutang kanyang tinahak papunta sa kanyang destinasyon. Sauluhing mabuti ang mga palatandaan sa mga dinaanan upang matuwid na matunton sa kanyang pagbabalik.
- PANATILIHIN ANG ISANG LIGTAS NA DISTANSYA MULA SA SINASAKYAN NG MAS MAAGA SA IYO SA PANULUKAN (INTERSECTION).
Sa ganitong paraan, mailalayo mo ang iyong sarili sa kapahamakan na maging biktima ng sakuna dahil sa nakabuntot ka sa isang malaking sasakyan na maglalagay sa iyo sa tinatawag na blind spot.
- TANDAAN ANG MGA LANDMARK AT MAGKAROON NG KAMALAYAN SA IYONG MGA KAPALIGIRAN.
Makatutulong ito nang malaki sakaling maligaw ka sa patutunguhan. Madaling matutunton ng sino mang matatawagan para maituro sa iyo ang wastong daan ng iyong pa-tutunguhan.
Sakaling maligaw ng landas, tiyaking naka-lock ang lahat ng pintuan ng sasakyan, gayundin ang lahat ng bintana upang maiwasan ang anumang ‘di inaasahan.
- TIYAKIN NA NAKA-LOCK ANG INYONG SASAKYAN SA LAHAT NG ORAS.
Maraming sasakyan ang may self-lock ng mga pinto na madaling magamit, at siguraduhin na ang bintana ng sasakyan ay hindi bukas.
- MAGING MAINGAT SA MGA HITCHHIKER
‘Di tulad sa ibang bansa, walang problema ang pagkakaloob ng libreng sakay sa mga hitchhiker.
Karamihan sa mga ito ay naglalakad ng dalawahan o solong paglalakad sa karaniwang kalakaran na ang pangunahing dahilan ay makatipid sa kanilang baon sa pagla-lakbay.
Ngunit dito sa atin, ang pagmamagandang loob ay karaniwang nasasadlak sa kapahamakan dahil sa maiitim nabalak ng mga kawatan.
Ang karaniwan sa mga ito ay holdupper, carnapper, rapist o kaya naman ay mga hired killer na sadyang ikaw ang pakay para matupad ang kanilang masamang balak sa iyong buhay.
- HUWAG MAG-TEXT HABANG NAGMAMANEHO.
Itinatadhana sa Anti-Distracted Driving Act na nagkabisa noong Mayo 18, 2017 ang pagbabawal sa mga nagmamaneho ng sasakyan na gumamit ng mga communication device at iba pang uri ng electronic entertainment and computing gadgets samantalang gumugulong sa lansangan if temporarily stopped on a traffic light lalo’t higit sa mga intersection.
Ayon sa batas, lahat ng mga nagmamaneho ay bawal tumawag, mag-text, maglaro ng mobile games, manood ng palabas, magbasa at mag-browse sa internet.
- HUWAG IIWAN ANG IYONG HANDBAG AT IBA PANG MGA MAHAHALAGANG ITEM TULAD NG LAPTOP SA UPUAN NG PASAHERO.
Payo ng LTO na huwag na huwag kayong mag-iiwan ng anumang bagay sa loob ng sasakyan at sa halip, ilagay ang mga ito sa iyong boot, ang pag-iiwan ng mga ito sa view ng passersby ay nakaakit sa mga holdupper para gumawa ng paraan para ito ay maagaw sa inyo.
Binigyang-diin ng LTO na isadiwa at sundin ang mga payong pangkaligtasan na kanilang inihanay para sa kaligtasan ng driver sa panahon ng solong pagmamaneho, la-lo na ng mga kababaihan.
Comments are closed.