PAGBABALIK NG DATING SCHOOL CALENDAR PINAMAMADALI

PINAMAMADALI  ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagbabalik sa dating school calendar para sa school year 2025-2026 sa halip na gawing gradual shift.

“Aside from exposing our students and teachers to the dangers of extreme heat, I honestly believe that the prevailing weather conditions during summer are not conducive to learning,” ani Zubiri.

“Kaya kung pwede sana, huwag na natin hintayin ang school year 2025-2026. Kung kayang ipatupad sa susunod na school year, gawin na natin at kawawa ang ating mga estudyante sa susunod na summer,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Zubiri na binawi na rin niya ang Senate Bill No. 788, na inihain sa pagsisimula ng 19th Congress, na nag-synchronize ng school year na magsisimula sa Agosto.

Sinuspinde ang ilang face-to-face class dahil sa mataas na heat index.

Tinataya rin na lalo pang titindi ang init ngayong Mayo.
LIZA SORIANO