HINIMOK ng grupo ng mga guro ang gobyerno na bumuo ng isang malinaw na plano para sa tiyak na ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary Gen. Raymond Basilio, dapat na magsagawa ng pagsusuri ang Department of Education (DepEd) sa mga eskuwelahan para makita ang kalagayan ng mga pasilidad nito at mga iba pang pangangailangan para sa pagbabalik ng mga estudyante.
Sa pamamagitan aniya nito, malalaman ng DepEd kung kailangan pa ba ng isang paaralan ng karagdagan pang comfort rooms, handwashing facilities, clinics, school nurses at sanitation personnel.
Dagdag ni Basilio, kailangan matiyak na ligtas ang mga bata sa face-to-face classes dahil hindi na umano epektibo ang kasalukuyang blended learning at masasayang lang umano ang buong school year ng mga bata.
Marami nang estudyante at mga magulang ang hirap ang nararanasan sa distance learning. DWIZ882
Comments are closed.