PAGBABALIK NI TRUMP SA WHITE HOUSE

NATAPOS na ang halalan sa Estados Unidos at napakabilis ng resulta nito.

Hindi na naghirap pa ang loob ng mga kandidato at nalaman kung sino ang bagong Pangulo ng pinakamalakas na bansa sa buong mundo.

Ang aming pagbati sa pagbabalik sa White House sa Washington DC ni US President-Elect Donald Trump ng partidong Republican.

Bagaman ilang taon din ang patuloy na mga kontrobersiyal na mga pahayag gaya ng pagkaso kay Trump at muntik nang pagpaslang sa kanya, muling magsisilbi si Trump sa kanyang mga kababayan.

Isa sa mga pinupukol kay Trump ang pangambang manganib ang ilang immigrant na mapauwi at hindi mabigyan ng hanapbuhay.

Sa unang termino ni Trump, ang kanyang kampanya ay America First dahil hangad niya na unang mabigyan ng trabaho.

May punto naman siya, bilang isang negosyante, nais niya ang kababayan na magkaroon ng hanapbuhay at huwag umasa sa ayuda.

Alam ng lahat na sa Amerika, kapag walang kakayahan ay binabalikat ng pamahalaan ang pangangailangan mula sa kalusugan at edukasyon.

Subalit ngayon, nakabalik si Trump at isa sa kanyang katangian ay ang pagiging consistent kung ano ang kanyang nasimulan.

Nais namin siyang batiin sa kanyang 72,560,841 votes o 50.9% na kabuuang boto.

Nakuha rin ni VP Kamala Harris, De­mocratic Party, ang aming pag­hanga dahil sa pagiging propesyonal at maagang nag-concede.

Sinabi ni Harris na tutulong din siya sa transition ng pamamahala sa kanilang bansa habang tuloy ang kanilang laban para sa pagseserbisyo.