PAGBABALIK SA DRAG RACING INIREKLAMO

NORTH COTABATO – INIREKLAMO ng mga residente sa Kidapawan City ang muling talamak na drag racing sa kanilang lugar dahil bukod sa maingay at nakakaistorbo sa pagtulog ng mga residente sa 114, Barangay Paco.

Nitong huli, Martes ng gabi Agosto 20 nasaksihan ng mga concerned citizen ang grupo ng mga kabataang nakahilera sa gilid ng daan nag-aabang kung sino ang mananalo sa drag racing.

Sa isang bahagi ng video may isang racer ang sumemplang at tumilapon ng ilang metro.

Ang bahagi ng daan sa nasabing barangay ay paborito ng mga drag racers dahil sa mahaba at kaayaya-ayang kondis­yon ng daan.

Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal sa lalawigan ng North Cotabato ang pagsasagawa ng drag racing dahil ilang kaso na rin ng aksidente ang naitala kasunod na humantong sa pagkasawi ng ilang mga drag racers at ilang sibiliyan na rin ang nadamay at nawalan ng buhay.

PMRT